
December 12, 2008
Mga Kapwa Ko Pilipino:
Lubos akong nakikiisa sa inyo sa pakikipaglaban kontra sa Charter Change.
Alam nating lahat ang maitim na hangarin sa likod ng pagsusulong na ito – ang pananatili sa kapangyarihan habang buhay ni Gloria Macapagal-Arroyo at ang kanyang mga alipores.
Ang labang ito ay isa ring laban upang panagutin ang mga lider na tumalikod sa kanilang sinumpaang tungkulin na pangalagaan ang kapakanan ng mamamayang Pilipino; mga lider na pinagsamantalahan ang likas na yaman ng ating bayan; at mga lider na nagnakaw ng mga pangarap at pagasa ng ating mga kababayan. Kaya naman huwag nating bibitiwan ang pakikipaglabang ito hangang makamit natin ang tagumpay na ating minimithi.
Nasa ating kamay ang kapangyarihang tapusin ang lahat na paghihirap at katiwalian na laganap ngayon sa ating bansa. Nasa ating kamay ang kapangyarihang pihitin sa tamang landas ang ating minamahal na bayan.
MAGKAISA TAYO! TUMAYO TAYO! PANAHON NA!
ANTONIO F. TRILLANES IV
Contact Us | Terms of Use | Trademarks
| Privacy Statement
Copyright © 2009 Magdalo Official Website. All Rights Reserved.
Sir,
Kung kinakailangan na lumaban sa gobierno dapat lalo pa nating palakasin ang hanay ng mga taong sumusuporta sa Magdalo. Panahon na para bawiin sa mga korap na opisyal ng bansa ang ibinigay sa kanilang poder ng taong bayan.
Mabuhay ang MAGDALO……MAGDALO para sa pagbabago!!!!!!!!
Senator Antonio Trillanes IV,
Bilang isang ordinaryong mamamayang Pilipino, ako po ay nagpupugay sa inyong katapangan at katapatan sa sinumpaan tungkulin. Ako po ay lubusan naniniwala at sumusuporta sa inyong adhikain. At ako rin po ay naniniwala na ang dugong bayani ay mananatiling mananalaytay sa mga kababayan natin Pilipino na may bukal na loob na maglingkod sa ating Inang Bayan.
Patnubayan nawa kayo sa inyong adhikain.