
By Ellen Tordesillas
May 31, 2009
Manloloko talaga itong si Gloria Arroyo.
May nagsabi sa amin na ayun sa isang kongresista na nandun sa Manila Hotel noong Huwebes sa pormal na pagsanib ng Lakas at Kampi, tinawag raw sila ni Arroyo sa isang kwarto at sinabihan na kailangan mapasa na ang House Resolution 1109 para sa Constituent Assembly na hindi kailangan ang Senado para mapalitan ang Constitution.
Ipinangako raw ni Arroyo na bibigyan siya ng tig-P20 milyon sa bawat kongresista na boboto para maipasa ang HR 1109.
Kailangan ni Arroyo ang boto ng three-fourths ng House of Representatives. Mga 200 na kongresista yun. Kung bibigay siya ng tig-P20 milyon para sa 200 na boto, aabot yun sa P4 na bilyon.
Kayang-kaya, maraming pera sa kaban ng bayan. Perang buwis ng taumbayan. Pera galing sa pawis at dugo ng mga OFW.
Dito makikita natin na sagad sa buto talaga ang pagka-manloloko ni Arroyo. Sa kanyang talumpati, pinaglandakan niya na may eleksyon sa 2010.
Ito ang sinabi niya: “Cynics and detractors love to paint grim scenarios about a cancellation of the 2010 elections. Let this merger of LAKAS and KAMPI be tangible proof of the Administration’s readiness, nay determination, to help ensure that the elections do push through.”
Ito ang translation: “Sa mga mahilig manira, palagi nilang nilalarawan na ang pagkansela ng 2010 na eleksyon. Hayaan niyong itong pagkaka-isa ng Lakas at Kampi ay magiging malakas na ebidensya ng kahandaan nitong administrasyon na matuloy ang eleksyon.”
Paano naman maging ebidensya ang pagkakaisa ng mga manloloko na hindi na matuloy ang kanilang panloloko? Kung may pinatunayan ang okasyun noong Huwebes, iyun ay garapal talaga sila.
Hindi sinabi ni Arroyo na ang eleksyon na gaganapin sa 2010 ay sa ilalim ng bagong Constitution na ang sistema ng pamahalaan ay parliamentary system at siya ay tatakbo bilang kinatawan ng Pampanga. Kapag miyembro na siya ng Parliament, hihirangin na siya na Prime Minister.
Garapal talaga kasi karamihan sa mga kongresista na pumalakpak kay Arroyo sa kanyang talumpati ay siya rin ang pumirma para mapunta na sa plenary ang HR 1109.
Pinipilit talaga nilang itinutulak kasi gahol na sila sa oras. Alam nilang may kukwestyon niyan sa Supreme Court kaya kailangan makapagdesisyon na ang mataas na hukuman sa loob ng buwan ng Hunyo. Karamihan na ng miyembro ng Supreme Court ay hawak ni Arroyo kaya kampante silang makukuha nila ang boto kahit labag sa batas ang kanilang ginagawa.
Hindi problema ang paggawa ng bagong Constitution na gusto ni Arroyo. Gawa na yan. Sa Septiembre magkaroon na ng referendum. Walang problema sa local governments. Nabusog na niya ang karamihan sa mga mayor at gubernador.
Kapag na-aprubahan na ang bagong Constitution, magkakaroon na nga ng eleksyon sa 2010 para sa miyembro ng parliament. Yan ang sinasabi ni Arroyo na eleksyon.
Manloloko talaga, ano.
Dapat magka-isa ang taong bayan……
Minsan mahirap talagang harapin ang katotohanan, lalo pa nga’t kung ito ay nagdudulot ng hindi maganda sa karamihan.
Kaawa-awang mga mamamayang Pilipino na patuloy na nagdurusa sa kamay ng mga mapag-imbot at walang konsensyang namumuno sa kasalukuyang pamahalaan, na ang tanging iniintindi ay ang mga pansariling kapakanan. Mga mamamayang naghihirap at patuloy na maghihirap sa mga susunod pang panahon kung saka-sakaling hindi mababago ang pangkasalukuyang sitwasyon. Nakakalungkot isipin ang mga nangyayaring ito. Nasaan na ba tayo? nasaan na ba yung mga taong tanging pag-asa ng bayan? Minsan lang tayo mabubuhay sa ating panahon, bagkus ay gagamitin pa ba natin ito sa di maganda. Huwag na tayong magsigaya sa kanila, dahil iba sila! Mas masarap yata yun sumulpot ka at mawawala sa mundong ito na puro maganda ang iyong ginawa. Mamamayapa kang ang dala ay puro papuri at pasasalamat, ng mga taong nagpupugay at nagmamahal sa iyo bilang isang kapatid at mabuting kababayan.
Ang KAPAL talaga ng PAGMUMUKHA ni GLORIA ARROYO, makapangloko man siya dito sa mundo, wala namang nakakaligtas sa kamatayan at lahat ng Tao mamatay, even si HITLER namatay, siya pa kaya, kaya sana Bago mahuli ang lahat sa kanyang buhay may pag asa pang umalis na siya sa pwesto ng magkaroon ng pag asa ang Pilipinas.
Nawalan ng demokrasya ang pinas simula ng nakawin niya sa iba ang pagka presidente.
magnanakaw na manlolokong babae pa.
ang KAPAL ng mukha mo GLORIA MACAPAGAL ARROYO – pekeng presidente!
we need your action before its to late
bro,,
hanisoy