Magparehistro! Bumoto!
Kung sawa ka na sa korupsyon, kahirapan, at kagutuman. Kung nais mo ng magandang bukas para sa ating mga kabataan. Kung nais mo ng mapayapa, maunlad at masaganang pamayanan. Lumahok sa halalan sa Mayo 2010 at gamitin ang lakas ng balota upang maging instrumento sa pagpili ng mga tamang lider para sa ating bayan. Panahon na upang tayo ay kumilos, manindigan at isulong ang pagbabago na nais nating makamit. Magpa-Rehistro! Bumoto!
Sino ang maaring magpa-rehistro?
- Filipino Citizen
- Hindi bababa sa 18 taong gulang bago mag-Mayo 2010
- Isang (1) taon ng nakatira sa Pilipinas
- Anim (6) na buwan ng naninirahan sa lokalidad kung saan boboto
Saan maaring magpa-rehistro?
- Magtungo sa lokal na Office of the Election Officer, Comelec Office sa inyong lugar
- Ma-aari din magpa-rehistro sa mga barangay satellite registration venue na itatalaga ng Comelec
- O tumawag sa Comelec NCR
![]()
![]()
![]()
![]()
![]()
![]()
![]()











(02)527-9624
o #527-0846 para sa karagdagang informasyon.
Kailan maaring magparehistro?
- Lunes-Linggo mula 8:00 a.m. – 5:00 p.m. hanggang Oktubre 31, 2009.
- Ngunit na-extend ang deadline dahil sa antala na dulot ng bagyong Ondoy.
Paano magpa-rehistro?
- Personal na mag-apply sa Comelec Office o satellite registration venues sa inyong lugar.
- Mag-fill up ng Application Form (CEF-1A) na makukuha sa Office of the Election Officer o di kaya ay i-download ang form sa www.comelec.gov.ph at magprint ng tatlong copya.
- Pirmahan lamang ang form at lagyan ng thumb mark sa harap ng Election Officer.
- Ibigay ang inyong buong pangalan at eksaktong tirahan (house number, street name, area, district, purok o sitio, at baranggay) sa Election Officer.
- Magpakita ng alin man sa mga sumusunod na valid id na may picture at lagda:
- Student’s ID o library card na may pirma ng school authority
- Postal ID
- Employee’s ID na may signature ng employer o authorized representative
- Driver’s license
- NBI o PNP clearance
- Passport
- SSS o GSIS ID
- IBP ID
- License issued by the Professional Regulatory Commission
- Senior Citizen’s ID
- Ang Sedula (Community Tax Certificate) o ID na mula sa barangay ay hindi tinatanggap bilang valid id.
- Matapos ang screening ay kukunin ang “biometrics (litrato, fingerprint, at pirma)” ng aplikante gamit ang Data Capturing Machine (DCM) ng Comelec.
- Bibigyan kayo ng acknowledgement receipt kung saan doon isusulat ng COMELEC ang inyong voting precinct. Huwag iwawala ang inyong acknowledgement receipt.
- Balikan na lamang ang inyong Voter’s ID sa itinakdang petsa ng Election Officer.
Isang paalala mula sa Magdalo.