
Ni Ellen Tordesillas
Pebrero 17, 2010
Ang yabang talaga nitong executive secretary ni Gloria Arroyo.
Minaliit kahapon ni Executive Secretary Ermita ang kandidatura ni Brig. Gen. Danny Lim at ang dalawang Magdalo na oisyal, si James Layug, dating kapitan sa Philippine Navy na ngayon ay tumatakbo para kongresista sa second district ng Taguig, at si Gary Alejano, dating Marine captain na ngayon ay tumatakbo para mayor ng Sipalay sa Negros Occidental.
Tinatanong si Ermita kung ang pagpayag ni Judge Elmo Alameda ng Makati Regional Trial Court na makapagpiyansa sina Sen. Antonio Trillanes IV, Brig. Gen. Danilo Lim, at ang 16 na Magdalo na opisyal at sundalo kasama na doon sina Layug at Alejano ay makakatulong sa kanilang kandidatura, ang sagot ni Ermita na painsulto “Oh..oh…oh.. Only in the Philippines.”
Nakalimutan na yata ni Ermita na minaliit din nila noong 2007 si Trillanes. Kaya nga nila pinayagan kumandidato kasi akala nila walang pagasang mananalo. Kasi nga naman, walang pera, nakakulong pa.
Kaya malaking sampal sa mukha nila ang pagkapanalo ni Trillanes, ang talagang nanlaban at lumalaban sa pagtraidor at pang-aabuso ni Arroyo sa bayan.
Ito namang pagpayag ni Alameda na ppwede na sila mag-bail sa kasong rebelyon kaugnay ng Nov 2007 na insidente sa Manila Peninsula, ang tuno ni Ermita ay wala rin mangyari dyan kasi dalawang kaso ang hinaharap ng mga Magdalo.
Maliban sa 2007 na rebelyon, nandiyan pa rin ang 2003 na coupd’etat kaugnay ng paninindigan nina Trillanes sa Oakwoon Hotel noong Hulyo 2003.
Sabi ni Ermita, iku-contest dawn ng prosecution ang pagpiyansa nina Trillanes, Lim, Layug, Alejano at 14 pa dahil malakas daw ang kaso nila.
Sinabi kasi ni Alameda sa mga ebidensya na binigay ng prosecution, ang maa-aring kasalanan nina Trillanes ay “contempt of court” at hindi rebelyon.
Sabi ni Alameda, “No direct, material and competent evidence adduced to prove the specific act committed by the accused constituting the crime of rebellion or any of the elements thereof. The walkout from the court, the marching to the Manila Peninsula hotel and the press conference held in the same hotel denouncing the administration of President [Gloria Macapagal-]Arroyo are not sufficient to prove the non-bailable crime of rebellion.”
Ang rebelyon kasi ay kung nag-alsa ang maraming-maraming taong may armas ang umalsa. Sabi ni Alameda hindi yan napatunyan ng prosecution.
Hindi talaga mapatunayan dahil wla naman talagang rebelyon.
Kung maayos ang pagpiyansa ng mga nakakulong na mga opisyal, baka si Trillanes na lang nag maiwan dahil hindi naman siya pinapayagan mag-piyansa sa coup d’etat niyang kaso kaugnaay ng insidente sa Oakwood.
Kahit ganun, nagpapasalamat si Trillanes at mukhang hindi napi-pressure si Alameda.