Contact Us

Gawad karangalan, ibinigay ng UP Alumni Association kamakailan

  • 11709641_467422940084615_2502940096011964685_n

Malugod na tinanggap ni Kgg. Gary C. Alejano ng Magdalo Para sa Pilipino partylist ang gawad karangalang ibinigay sa kanya ng UP Alumni Association kamakailan. Ito ay bilang pagkilala sa kanyang katangi-tanging kontribusyon sa larangan ng serbisyo publiko. Kabilang dito ang mga panukalang batas na kanyang isinulong sa kongreso na malaki ang naging kapakinabangan hindi lamang sa sektor na kinakatawan ng Magdalo Patylist kundi gayun din, at higit sa lahat, sa mga mamamayang Pilipino. Naging makabuluhan din ang ipinamalas na paninindigan ni Ginoong Alejano sa mga usaping pambansa katulad ng BBL at ang suliranin sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Ang prestihiyosong seremonya ay taunang ginaganap bilang pagkilala sa mga nagsipagtapos na magaaral ng Unibersidad ng Pilipinas na nagbigay ng karangalan dito sa iba’t-ibang larangan sa pamamagitan ng kanilang natatanging kontribusyon sa lipunan upang maitaas ang antas nito. Tunay na kapuri-puri ka, Ginoong Alejano!

0 Comments

Leave A Reply