Contact Us

Plenary Interpellation re: BBL Block Grant vs. Veteran’s Unpaid Pension Differentials

  • 11031129_10206840081985401_2168144705305918663_n

Rep. Gary C. Alejano, MAGDALO Partylist (Plenary Interpellation re: BBL Block Grant vs. Veteran’s Unpaid Pension Differentials)

Related to this issue, Mr. Speaker, I also want to bring to the attention of my colleagues the plight of our veterans as regards their unpaid pension differentials. To date, the government owes them a total of Php 21.22B. Ito yung mga beterano na nagsakripisyo, nagsilbi sa bayan, nagtaya ng kanilang buhay at kinabukasan para lamang mapanatili ang katahimikan, ang soberenya at integridad ng territoryo ng ating bansa. Marami rin sa kanila ang mismo ay nadestino at nakipagdigma laban sa MILF sa Mindanao.

Ang masakit, matapos silang magsilbi sa bayan sila ay pinagkakaitan ng kaukulang benepisyo katulad ng kanilang matagal na hinihintay na pension differentials, marami sa kanila ang kinamatayan na ang paghihintay nito. Sila din ang mga nangangailangan ng tulong medikal na kung saan sila ay pumipila sa napakahabang pilahan sa mga government hospitals upang mamalimos sa konting gamot sa bayan na kanilang pinagsilbihan.

Papaano natin ngayon maiengganyo ang ating mga kabataan na magsilbi sa ating bayan kung ganitong ehemplo ang ipinapakita natin sa kanila?

The Php 21.22B unpaid differentials which span 15-20 years now could easily be paid by an amount less than that of one year block grant. Kaya nakikiusap ako na huwag natin silang kalimutan sa gitna ng usaping Basic Law of Bangsamoro Autonomous Region.

0 Comments

Leave A Reply